Gabay sa Konfigurasyon# DHCP Configuration: Router on a Stick (ROAS) Setup
  

Sangfor Jojo Lv5Posted 14 Nov 2023 14:27

Produkto: NGAF
Bersyon: 8.0.47

1. Panimula
1.1 Senaryo
Sa isang maliit na Enterprise Network, ang disenyo ng network ay isang Router-on-a-Stick (ROAS) setup kung saan ang iba't ibang mga VLAN ay maaaring dumaan sa isang solong koneksyon.
I-configure ang Sangfor NGAF bilang DHCP Server at magbigay ng mga IPv4 address sa lahat ng mga endpoints sa isang ROAS setup.

1.2 Iba pang Detalye
1) Ang mga VLAN (Virtual LANs) ay VLAN10 (172.16.10.0/ 24) at VLAN20 (172.16.20.0/ 24)
2) Ang Core Switch port na direktang konektado sa Sangfor NGAF ay i-configure bilang trunk port.
3) Ang mga IP address ng mga Desktop ay naka Dynamic.

2. Gabay sa Konfigurasyon

2.1 Konfigurasyon ng NGAF
Hakbang 1. Piliin ang interface eth1 at lumikha ng Subinterface para sa VLAN 10 at 20.
Pumunta sa Network > Interfaces > Subintefaces at mag-click ng Add, tulad ng ipinapakita sa ibaba.

Hakbang 2. Magpapakita ang isang bagong window kapag pindutin ang Add Button. Pagkatapos ay ilagay ang mga sumusunod na detalye.
1) Physical Interfaces: eth1
2) VLAN ID: 10
3) Description: Sub-interface for VLAN10
4) Static IP: 172.16.10.1/255.255.255.0
I-click ang Save.

Hakbang 3. Ulitin ang Hakbang 2 para sa VLAN 20.
1) Physical Interfaces: eth1
2) VLAN ID: 20
3) Description: Sub-interface for VLAN10
4) Static IP: 172.16.20.1/255.255.255.0
I-click ang Save.

Hakbang 4. I-configure ang sub interface (eth1.10) para sa DHCP.
Pumunta sa Network > DHCP > DHCP Options at mag-click ng Add, at ilagay ang mga sumusunod na detalye tulad ng ipinapakita sa ibaba.
1) Service Type: DHCP Server
2) Name: DHCP_Vlan10
3) Description: DHCP for Vlan10
4) Interface: eth1.10
5) IP Range: 172.16.10.100-172.16.10.254
6) Netmask: 255.255.255.0
7) DHCP Gateway: 172.16.10.1
8) DNS Server: Specified
9) Preferred DNS: 8.8.8.8
I-click ang Save.

Hakbang 5. I-configure ang subinterface (eth1.20) para sa DHCP.
Pumunta sa Network > DHCP > DHCP Options at mag-click ng Add, at ilagay ang mga sumusunod na detalye tulad ng ipinapakita sa ibaba.
1) Service Type: DHCP Server
2) Name: DHCP_Vlan20
3) Description: DHCP for Vlan20
4) Interface: eth1.20
5) IP Range: 172.16.20.100-172.16.20.254
6) Netmask: 255.255.255.0
7) DHCP Gateway: 172.16.20.1
8) DNS Server: Specified
9) Preferred DNS: 8.8.8.8
I-click ang Save.

Hakbang 6. I-verify ang 2 DHCP Poll na idinagdag tulad ng ipinapakita sa ibaba.

Hakbang 7. Suriin kung ang mga device ay maaaring makakuha ng dynamic IP Address, gamitin ang ipconfig/all sa cmd.
PC1:
PC2:

3. Precaution
1). Laging suriin ang konfigurasyon ng VLAN kung hindi makakuha ng tamang IP Address ang endpoint.
2). Ang DHCP sa ROAS ay tunay na senaryo ngunit ang isang linya nito ay maaaring magdulot ng pagkabigo. Nagmungkahi ako na magkaroon ng isa pang linya para sa redundancy.

---------------------------------------------- This article is contributed by    ---------------------------------------


Wanna get to know him? Click here.


Like this topic? Like it or reward the author.

Creating a topic earns you 5 coins. A featured or excellent topic earns you more coins. What is Coin?

Enter your mobile phone number and company name for better service. Go

Sangfor Jojo Lv5Posted 14 Nov 2023 14:42
  
We warmly welcome engineers to share your creations like configuration guides or troubleshooting cases with us. Each article will be rewarded with at least 4000 coins.

Trending Topics

Board Leaders