Sangfor aCloud VM Resolution using UEFI BIOS Settings Configuration Guide_Filipino
  

jetjetd Lv5Posted 15 Nov 2022 19:54

Last edited by jetjetd 15 Nov 2022 20:01.

Gabay sa Pagbago ng VM Resolution gamit ang UEFI BIOS sa Sangfor aCloud

Produkto: aCloud

Introduksyon:
Mababago ang UEFI BIOS VM screen resolution samay BIOS settings sa halip na sa loob ng Operating System.
  • I configure ang BIOS settings para baguhin ang screen resolution.




Pag-iingat:
  • I power off muna ang vm para baguhin ang BIOS settings.
  • Kinakailangang I reboot ang VM ng dalawang beses para gumana ang binago sa settings ng BIOS.
  • Para ma access ang BIOS, gamitin ang Space Bar.



Hakbang na Gagawin——
Unang Hakbang. Patayin muna ang VM at pumunta sa “Edit”
6568463737cc69aafd.png

Ikalawang Hakbang. Pindutin ang “Other Hardware”.
6389263737cd6a7cef.png

Ikatlong Hakbang. Sa “Bios Option” makakapili tayo ng uri ng BIOS. Maari nating piliin ang UEFI or mag upload ng custom UEFI BIOS gaya ng nakikita sa ibaba.
6218263737ce9b00b3.png

Ikaapat na Hakbang. Kung pipiliin natin ang UEFI, pagkatapos mag boot ng VM, makikita natin ito bilang Sangfor Linux UEFI.
2280263737cfe6782c.png

Ikalimang Hakbang. I set ang BIOS post time to 30 seconds para masigurong may panahon pa tayo para pumunta sa BIOS. Pag tapos na, pindutin ang “OK”.
926463737d0f2bb8e.png

Ikaanim na Hakbang. I power on ang VM. Para pumunta sa BIOS, pindutin ang space bar habang nasa BIOS Post time.
9612563737d21a259e.png

Ikapitong Hakbang. Kapag nasa loob na ng BIOS, pumunta sa Device Manager.
1431663737d32dccb4.png

Ikawalong Hakbang. Piliin ang OVMF Platform Configuration.
7215463737d463d5aa.png

Ikasiyam na Hakbang. Dito pwede nating baguhin ang gusto nating screen resolution.
227463737d598c889.png

Ikasampung Hakbang. Pagkatapos baguhin ang resolution, siguraduhing may nakalagay na“Configuration changed” sa ibaba ng display.
3896763737d6aaead4.png

Ikalabing isang Hakbang. Pillin ang “Commit Changes and Exit” na opsyon.
9568963737d7ce03c0.png

Ikalabin dalawang Hakbang. Pindutin ang “Esc” button upang umalis sa Device Manager settings.
4095563737d8e01cfd.png

Ikalabintatlong Hakbang. Pindutin ang “continue”.
8785163737d9f108f6.png

Ikalabing apat na hakbang. Ang VM ay patuloy na mag boot pagkatapos pindutin ang continue. Makikitasa larawan na nasa ibaba na ang VM ay nasa lumang screen resolution pa rin. Kinakailangan nating i boot ang VM ng dalawang beses para gumana ang binago natin na settings.
9960963737dbca7bec.png

Ikalabing limang Hakbang. Pindutin ang reset, hintayin ang pag restart ng VM.
6382963737dd5ec337.png

Ikalabing anim na hakbang. Pagkatapos ng restart, ang VM ngayon ay may bago ng resolution.
5407963737dea4cc8f.png
-TAPOS NA-

Like this topic? Like it or reward the author.

Creating a topic earns you 5 coins. A featured or excellent topic earns you more coins. What is Coin?

Enter your mobile phone number and company name for better service. Go

Newbie517762 Lv5Posted 16 Nov 2022 10:01
  
salamat sa pagbabahagi mo.
Zonger Lv5Posted 16 Nov 2022 13:22
  
Thanks for sharing

Trending Topics

Board Leaders