#Configuration Guide# Sangfor aCloud Installation Guidelines_Filipino
  

jetjetd Lv5Posted 02 Aug 2022 23:24

Last edited by jetjetd 03 Aug 2022 02:05.

Gabay sa Paginstall ng Sangfor aCloud


Produkto: aCloud

Mga Kinakailangan——
         1. Pinakabagong firmware bersyon na image file ngSangfor aCloud na pwedeng e download sa Sangfor                             Community.
         2. USB drive (kapasidad na mas malaki pa sa 4GB)
         3. UltraISO software installer

Hakbang na Gagawin——

Unang hakbang. Mag download ng UltraISO software at e install sa kompyuter. Gagamitin natin ang UltraISO software installer para ilipat at gawing bootable ang aCloud firmware sa USB. Tingnan ang mga image sa baba para sa mga hakbang kung paano.





Ikalawang hakbang.  Pagkatapos mailipat yung aCloud formware sa USB, Paki click ng “Close” na nakikita sa screen kagaya ng nasa ibaba.

Ikatlong hakbang. Isaksak sa USB port ng server and USB at i power on ang server. Pindutin ang DELETE (DEL) para pumasok sa BIOS Setup.

Ikaapat na hakbang.  Pillin ang Boot opsyon at palitan ang 1st Boot Device sa USB drive.

Ikalimang hakbang.  Paki save ng nagawa na konfig at pwede ng mag exit sa BIOS setup.

Ikaanim na hakbang.  Hayaang mag boot ang server sa USB drive at piliin ang pinakamataas na opsyon na “Install Sangfor aCloud on this machine” at sa susunod na screen piliin ang “Sangfor aCloud Installer” na opsyon.


Ikapitong hakbang.  Pindutin ang “I agree” na opsyon.

Ikawalong hakbang. Makikita mo ang imahe na nasa baba kapag na install na ang Sangfor aCloud. Pinduting ang “Yes” para kumpirmahin na burahin ang existing drive.

Ikasiyam na hakbang.  Siguraduhing tama ang piniling system disk para sa pag install.

Ikasampung hakbang.  Pag nakita yung nasa ibabang imahe, piliin ang “No” para mag skip sa benchmarking.

Ikalabing isang hakbang.  Sa susunod na screen, pakibago ang configuration ng eth0.

Ikalabing dalawang hakbang.  Palitan ang IP address, netmask at ang gateway ng eth0.

Ikalabing tatlong hakbang.  Piliin ang “No” kung hindi mag configure ng VLAN.

Ikalabing apat na hakbang. Tapos na ang installation. Pindutin ang “OK” para e restart ang server.


Ikalabing limang hakbang.  Habang nagrereboot, bumalik sa BIOS setup at palitan ang 1st boot device sa system disk.

Ikalabing anim na hakbang.  Piliin ang “Save configuration and reset” na opsyon at piliin ang “Yes”.

Ikalabing pitong hakbang.  Pagkatapos mag boot ng server sa system, makikita mo ang imaheng nasa ibaba at pwede ka ng kumonek sa eth0 para ma access ang web console gamit ang nilagay na IP address.

Ikalabing walong hakbang.  Pwede mo ng maaccess ang aCloud server gamit ang iyong browser. Gagamitin natin ang default na username at password na “admin”.

Ikalabing siyam na hakbang.  Makikita mo ang imaheng nasa ibaba pagkatapos mong maka login.
-TAPOS NA-

Like this topic? Like it or reward the author.

Creating a topic earns you 5 coins. A featured or excellent topic earns you more coins. What is Coin?

Enter your mobile phone number and company name for better service. Go

jetjetd Lv5Posted 04 Aug 2022 19:18
  
I hope my fellow Filipinos will appreciate my hardwork on this content and find it useful by putting a like into it.

Trending Topics

Board Leaders