#Configuration Guide# Sangfor IAM Active-Standby High Availability Configuration Guide_Filipino
  

jetjetd Lv5Posted 03 Aug 2022 00:10

Last edited by jetjetd 03 Aug 2022 00:16.

Gabay sa Pagconfigure ng Sangfor IAM Active-Standby High Availability
Produkto: IAM

Hakbang na Gagawin——

Unang hakbang.  Maglogin sa Active device. Pumunta sa System > Deployment para makumpirma na ang IAM device ay nasa Route Mode deployment. Gagamit tayo ng DMZ interface para sa HA interface. Pwede rin gumamit ng kahit anong bakanteng interface para maging HA interface.

Ikalawang hakbang.  Pumunta sa System >High Availability. Sa High Availability na window, meron tayong makikitang dalawang deployment mode. Pipiliin natin ang Active-standby deployment at i click ang “Settings” button.

Ikatlong hakbang.  Ilagay ang pangalan ng device at piliin ang priority ng device. Kung ito ang active na device, piliin ang “High” na priority

Ikaapat na hakbang. Sa Basic tab settings, pillin ang pangunahing link na HA interface at ilagay ang remote IP. Ilagay ang shared secret para gamitin upang makasalisa high availability. Sa tracked interface group, piliin ang production interface gaya ng WAN at LAN. Pwede natin e enable ang alarm na opsyon sa pagclick ng Alarm option link pero ito ay optional lamang. Pindutin ang “Next” at pumunta sa Detection page.

Ikalimang hakbang.  Sa Detection na tab, pwede nating palitan ang heartbeat timeout na settings.

Kapag naka enable ang “Active unit remains active always while standby unit is failed” kung hindi gagana ang standby device, ang active na device ay mananatiling aktibo kung may ARP or ICMP probe fail.

Ikaanim na hakbang.  Sa Action tab, kapagnaka enable yung opsyon na “Remove tracking capability from interfaces” ibig sabihin ay kapag ang device ay naging standby, hindi ipapaalam ni tracked interface ang uplink at ang downlink na device para gawin ang paglipat.

Ikapitong hakbang.  Sa advance na opsyon, pwedeng ma enable ang “Simultaneous upgrade” na opsyon. Ibig sabihin mauupgrade yung standby device kapag ang active device ay ina upgrade din.

Paki click ng Commit button para e save ang configuration. Click“Yes” sa lalabas na windows screen.

Ikawalong hakbang.  Maglog in sa standbydevice. Pumunta sa System> Deployment para e check kung ang IAM device ay nasa Route Mode deployment.

Ikasiyam na hakbang.  Pagkatapos ma check ang Deployment mode. Pumunta sa System > High Availability. Piliin ang Active-standby deployment at e click ang Settings” na button.

Ikasampung hakbang.  Ilagay ang pangalan ngdevice at piliin ang priority bilang “Low” para sa standby device. Sa Basic settings, piliin ang primary link bilang HA interface at ilagay ang remote IP. Ilagay ang shared secret na kapareha ng Active device. Sa tracked interface group, piliin ang production interface kapareha ng active device.

Paalala: Ang settings ng deployment mode, LAN port, WAN port at DMZ port ay dapat  magkapareha para magsync ang configuration. Ang IP ng interface sa bawat device ay maaaring magkaiba naman.

Ikalabingisang hakbang. I click ang Next para makita ang Detection na tab, Kapag nakaenable ang ARP probe at ICMP probe sa active device, maaaring e disable na ito sa standby device para maiwasan ang paglilipat sa iba’t ibang kadahilanan. Pakiclick ng “Next” para mapunta sa Action na tab.

Ikalabingdalawang hakbang.  Para sa Action at Advance na tab, ito ay kapareha lang na setup sa naunang hakbang. I click ang“Commit button para ma save ang configuration. Pagkatapos nito ay dapat maglogin ulit sa device.

Ikalabingtatlong hakbang.  Para makumpirma ang estado ng HA, pumunta sa System > High availability. Makikita na ang komunikasyon para sa dalawang device ay “OK”.
-TAPOS NA-

Like this topic? Like it or reward the author.

Creating a topic earns you 5 coins. A featured or excellent topic earns you more coins. What is Coin?

Enter your mobile phone number and company name for better service. Go

RegiBoy Lv5Posted 29 Oct 2022 08:22
  
Good writing and informative.
zubairhassan Lv2Posted 28 Oct 2022 22:13
  
Thank you for information .
jetjetd Lv5Posted 04 Aug 2022 19:16
  
I hope my fellow Filipinos will appreciate my hardwork on this content and find it useful by putting a like into it.
Maxon Lv1Posted 04 Aug 2022 14:27
  
You presented your ideas and thoughts really well.
Sangfor Jojo Lv5Posted 03 Aug 2022 15:54
  
Good writing. Thanks, Vincent!

Trending Topics

Board Leaders